nuffnangAds

Saturday, January 28, 2012

Bahaghari



Sinong hindi man lang dudungaw sa bahaghari
sa makulay na pangakong naghahari
matapos bumuhos ang parusa ng hari
lumilitaw itong munting bahaghari.

Sa gitna ng unos nagtago ang araw
ako'y namangha ng biglang matanaw
makulay na guhit sa langit lumitaw
Imposible ! ang aking hiyaw .

Kumalma ang pagtangis ng madla
nahinahon ang bawat nagwawala
umusbong ang pagasang nawala
muling tumingala at sa Diyos nagtiwala .

2 comments:

kiko said...

natuwa ako sa iyong nilikha,
'pagkat minsan ako ay may ginawa
tulang tungkol sa ulan
bahaghari naman ang kapalit
kapag ulan ay lumisan
Pagkatapos ng Ulan

Kathy Ngo said...

there's a rainbow always after the rain ... there's a silver lining in everything

ShareThis