nuffnangAds

Tuesday, January 01, 2013

PANATA KO !





Sa pagpasok ng panibagong taon
ako'y nagpapasalamat panginoon
Panibagong umaga ay haharapin ngayon
na may ngiti at aral mula sa kahapon

Ang signos raw na haharapin
kinatakutan, balita'y nagpasalinsalin
May naniwala't may nanalangin
ako nama'y nanindigang kami'y sasagipin

Kay raming bagyo sa bansa ay dumaan
malalaking alon humampas sa pampang
mga kontrobersyang samin ay gumulantang
Panginoon, kapayaapan ay sayo lang nakamtan

Maring bagong batas na pinatupad
mga bagay namakapagbabago raw sating landas
ngunit kung bawat tao'y kapos palad
Hindi parin sigurado kung ang batas ay magiging patas.

Sa buhay ko ay may mga pagbabago
ngunit ang tao ay hindi marunong makuntento
sa panibagong taon na ito, Panginoon ko.
Magsisikap pa po ako ng todo.

Magsisipag at magaaral po ako
tutuparin ang mga pangarap ko
tutulong sa mg magulang ko
at magiging kapakipakinabang sa bayan ko.

ShareThis