Di mo kailangan umoo
kung di ka sangayon sa kanila
Di mo kailangan sumaludo
sa taong di mo naman kilala.
Di mo kailangan ngumiti ng todo
kung di ka naman talaga masaya
Di mo kailangan kumibo
kung wala ka naman alam talaga.
Kung lahat na sila ay nakaluhod
bakit hindi tayo tumayo
bakit hindi tayo tumango
sabayan ang kanilang pagyuko.
Babagtasin mo ba'y tulad ng kanilang tinatahak
gayung alam mong mali ang mga naiwang yapak
sisiihin mo ba ang mundo pagkat doon ka tinulak
o ibabaling ang bintang sa iyong payak na utak .
Sasabay kaba sa kabuktutan ng mundo
magsusunod-sunuran at magpapatalo
o susubukan ang daan tungo sa pagbabago .
ang desisyon ay nasa kamay mo.
18 comments:
keep on making poems! inspiring :)
poem like this is one that makes us see the soul through which the pen strikes what the heart feels.
patuloy lang po ang pagsusulat.
tama - di lahat na bagay ay sasang-ayon tayo. pag-isapan ng mabuti kung ito ay nakakabuti sa atin. May sariling kitang mundo. Di dapat na oo lang tayo ng oo.
True.. we shouldn't be doing things we don't want to. we don't have to say YES all the time. If things don't feel right, it's okay to speak up and say "NO".
you're very fond of poems. Keep it up! :)
So inspiring! Yes we have our own mind to make our own decisions, we should not listen to what others are saying. Pag may dumating Ba na problem Sila haharap? Pag nagkamali ka ng landas Sila Ba mag sa-suffer? Sige Lang and do what you think is right... Good poem! ;)
I miss your poems. Tagal ko ring di navisit blog mo. Hehehe. Galing pa rin. Pulido at sobrang makahulugan. Moooree!At congrats sa pagkapanalo mo sa pacontest ni Mami Joy. :)
I love the poem! Very powerful hehe
Angkop na angkop ang pamagat sa tula.
Unang tikim kahit nakapikit,
Alam mong ang lasa ay kapanapanabik;
Ang tunay na bunga ng kalooban;
Lumalabas sa pananambitan.
I love poems since I was a kid.
Mahusay ang iyong tula,
Hindi ko ina-kala.
Na isang dalagita pala,
Ang gumawa.
Galing pagkagawa..medyo radical ang tema pero it is deep and consistent. Love this one. Keep writing.
magpakatotoo ka! love your poem! galing! keep on writing!!!
gusto ko happy ka. but seriously , we all have our choices . Hope you will be in the right direction. cheers
Aztigg ka..galing nmn..
Tama , kaya nga wala tayong karapatang isisi sa iba kung ano mang naging desisyon o kung ano mang nangyari sa buhay natin kasi lahat tayo may "choice/ choices"
great poem :)
We need to stand up for ourselves. We need to speak out. We need to stay true to ourselves. Always.
at hindi mo kailangan mglike sa facebook kung di mo naman talaga like. at hindi mo kailangan mgLOL kung sad ka naman talaga. ayyy, hindi ko carry gumawa tula, hindi ngra-rhyme :D
Long live individual differences and respect for those.
Ma-iba ka naman
Kung Layuni'y tama kaibigan
Ngunit kung ang asal ay di wasto
Piliting sumunod at sa mga alituntuni'y sumaludo!
Post a Comment