Nagtungo sa eskwela
panulat lang ang dala
Mugto pa ang mga mata
pagkat ako'y puyat pa.
Sa silya ako'y naupo
naidlip ng saglit .
Nariyan na ang guro !
namulat sa pagkapikit.
Ako pa ba'y nananaginip ?
blangko pa ang aking isip.
sagutang papel na sa kamay nakaipit .
Naku ! ngayon na pala ang pagsusulit.
Nangamote kang bigla
nagulat ta natulala
wala kang maisip na akda.
walang masulat na talata.
Lumilipad ang aking diwa\
katabi ko'y wala rin gawa
manghuhula nalang ba ,
marka ko'y ipagsawalang bahala.
Ganyan talaga pag di nagaral
kalabasa and dapat parangal
magaaral na raw sa susunod
nangangako pa ng paluhod.
Sana sa susunod na pagsusulit
mga kamay ko'y may maiguhit
mga tamang sagot mula sa isip
pagkat ako'y nagaral na ng pilt.
10 comments:
ang galing !!! :)
Hahaha. Nakapagsulat ng tula habang nag-eexam. Malay mo me points for the effort. Kwela naman. Kulit ng nangamote bigla..
hahahaha ... wala pang laman ang isp mo nyan ha dahil puyat ka.. ang galing mong gumawa ng tula! love it! next time magreview na po ha.. :)
haha nice 1..ingat lang baka ma zero xD
isa kang makata! galing din po ikaw magkwento =)
Wow you are good! Sa Tula ha, Hindi sa exam.. Pero sis galing ng poem mo! Pero makinig kay old sistah, wag papabayaan ang studies.! Keep on writing poems!! And enjoy school! ;-)
ang galing mo naman tumula, sana ako rin :)
Nice,ituloy mo lang yang paggawa ng tula. malay mo...
if the exam is making a poem, you will be the top!
exam's so messing up the whole day. LOL
Post a Comment