nuffnangAds

Thursday, January 05, 2012

Munting Payo




Sinubukan kong ibahin ang layunin
imulat ang dapat mithiin
ituro ang daang marapat tahakin
iparating ang tunay na ibig sabihin.
Ibaon kay hindi kaylan man nanaisin
sahalip iahon sa pagkakadiin
di ko ibig na ikay hamakin
kaibigan mo akong maituturing
pagkabahala ko'y wag masamain
mga payo ko'y dinggin.
Maykapal ay iyong harapin
manalig ka't sa twina'y manalangin
Siya'y Diyos na maunawain
asahan mo ika'y didinggin
tayo na't talikdan ang dilim
humanda sa liwanag na paparating.
mabuhay para sa sariling adhikain
manindigan at maniwalang kaya mo rin.

21 comments:

Joy Calipes-Felizardo said...

Nice poem, mahilig ako sa tula, nakaka-inspire! I'll follow you ha pls pls pa-follow rin po ako, eto yung blog ko:
http://www.gastronomybyjoy.com/

chrisair said...

galing m naman magcompose jackie, keep on posting


please comment on my post too

Mei said...

Nice poem. If my interpretation is right, it is about friend giving advice to a friend. I am not really good on interpretations hehe.

May said...

Keep posting (and advising!) :) It's been years since i wrote a poem... and nothing in Tagalog! Kaya I admire talaga those who are so expressive they are able to make a poem out of it. Nice!

Gil Camporazo said...

Kaya mong tulungan ang iyong kapwa-tao pero sa bandang huli ang Maykapal lang para ang makatulong sa sinuman may kamalian, may kasalanan, o may kagagawan na di mabuti sa kanyang kapwa.

Malinaw na malinaw ang iyong ipinahayag sa iyong munting tula.

Maniwala ka man sa iyong sarili
Na lahat ay kaya mong gagawin
di mo pala iniisip na ika'y tao lamang
mapusok, madamdamin
sa kunting pagsubok bigla ka napaurol
sa munting pangarap bigla nawala
bigla kang nawalan ng pag-asa
dahil naging matindi ito ay di mo na makaya
Bang! biglang pumutok
Patay kang bata ka!

Nakalimutan mo pala
na may taong nagmamahal sa iyo
ibinuhis nya ang kanyang buhay
para sa iyo
na ang lahat mong kasalanan
ay mawawala at ikaw ay mapasa-langit
sa mahal mong Ama ay Siyang naghihintay
abot-kamay para sa iyo
sa langit ikaw maninirahan
ang pagsisi ay sa huling sandali
ang kasalanan ay nagawa na
at ikaw ay isang sawi.

Puntahan mo naman ang aking mainam na blog na Hiligaynon :   Tumandok

Nancy said...

Alam kong di dapat pero di ko talaga maiwansan mainggit sa mga me kakayahang gumawa ng isang tula.

It's one of my college day's frustrations.

Keep it coming!

chrisair said...

wow may poem sa comment box, seriously Jackie galing mo gumawa ng poem

Jhen said...

I enjoy these lines most:

"Maykapal ay iyong harapin
manalig ka't sa twina'y manalangin
Siya'y Diyos na maunawain
asahan mo ika'y didinggin
tayo na't talikdan ang dilim
humanda sa liwanag na paparating.
mabuhay para sa sariling adhikain
manindigan at maniwalang kaya mo rin.
You might also like"

two thumbs up!

sionee said...

ang galing naman! nakakaantig ng damdamin! hehe
Salamat sa pagbahagi nito sa amin! :)

Lady Patchy said...

a nice poem for a friend.i always give advices to my friends but it is up to them to listen or not ,at least we tried to be a good friend to them .that is what friends are for.

ellinor said...

nice poem of hope and faith, i hope that whomever you are referring to would listen and open her heart. thanks for sharing. God bless.

FranCis said...

Munting Payo's kay sarap basahin
Mula sa isang dalaginding…

Read my Poem: Flair Connection

Unknown said...

Nakakatuwa naman ang sinulat mo. Sana hulmahin mo pa ang iyong angking talento

yuuki said...

nice poem! hope ur friend got the message, in the end sya pa din magdedesisyon kung ano ang gusto nya at least u did ur best...

Ion Gonzaga said...

napakaganda ng adhikain
napakahusay ng layuhin
bawat puso nawa'y haplusin
ng mabuti mong mithiin

:-)

na-challenge uli akong tumula. i missed writing poems

AJ said...

Amen is all I can say to that! :)

joy said...

nakakatuwa naman basahin ang tula mo meron ryhme and the message is very clear :)

Jonathan said...

Great poem! I always admire people who can make poems in Filipino, might be cuz I suck at that.

jared's mum said...

i have always loved writing + reading poetry when i was younger, i wish i have a few time to spare so i can sit down + write some one of these days...

poems are especially beautiful when written in our vernacular! two thumbs up! ^_^

Jackie said...

Thanks for all the positive comments guys :))
I really felt glad reading these.

bagotilyo said...

like it ...

clap clap :)

ShareThis