nuffnangAds

Saturday, May 11, 2013

Sa Pagkurap ng Ilaw



Siyam na buwan ka niyang dinala
sa sinapupunan ay inakay ka.
Magbuhat sa ikay iluwal niya
hanggang sa magkaisip na
Ang butihing ina ang siyang sayo nagaruga.



Minahal ka ng taos
tiniis ang bigat upang makaraos
siya'y  maghapong kumikilos
laba, luto, linis hanggang matapos
yaring araw na puno ng paghihikahos.

Nangmagkaisip na'y tinalikidan mo siya
sinuong ang landas na lihis sa iba.
Malalim ang sugat na dulot mo sa kanya
kasalanan ba na sarili ay intindihin niya?

Nawasak ang tahanang matagal pinangalagaan
sa pagguho ng pundasyong pinagkatiwalaan
Kumurap-kurap ang ilaw ng tahanan
mga tao sa loob nitoy isa-isang nagalisan.
Naiwang magisa ang Ilaw ng tahanan.

Maraming taon na ang lumipas
sila'y nagtatakbuhan at kumakaripas.
Mga tao sa bahay ay muli pabang magbabalik
sa pinanggalingan sila ba'y muling hahalik?
Sa araw na para sa butihing ina pagibig ba'y manunumbalik?

Pagpapatawd sa Ina ay ihatol niyo.
Siya'y dinadakila di sinasaktal
sinasaluduhan di tinatalikdan.
Siya'y iyong INA! sayo'y nagaruga at nagmahal
Siya'y iyong INA! anuman ang dahilan.











-------------

Ang tulang ito ay inaalay ko sa mga anak na may galit, tampo, hinanakit o anu pa man sa kanilang mga Ina.

Ang kwento sa likod ng tulang ito ay base sa tunay na buhay!



HAPPY MOTHERS DAY PO!

8 comments:

Archie de Lara said...

Mahalin natin ng ating mga ina... kahit na minsan ay may hindi pagkakaunawaan.

papaleng said...

Iisa lang ang ina natin. so LOVE her that much.

Super Mommy Jem said...

Lubos ang pagmamahal ng ina na walang kaparis. Happy mother's day!

Teresa Martinez said...

Katulad ng ibang myembro ng pamilya, ang ina ay maaaring magkamali rin. Tunay na pagpapatawad lamang ang maaaring humilom ng mga sugat ng di pagkakaunawaan.

Roch said...

A mother sacrifices a lot for her children. Ganoon talaga, mashadong mapagmahal. Happy Mother's Day. :D

Simplymarrimye said...

Meron pa bang hihigit pa sa pagmamahal ng isang INANG nagbigay-buhay sa isang anak na namulat sa mundong materyal... hindi perpekto. Kung may aral na natutunan, ito'y ang magpatawad sa sino mang nagkasala at huwag kalimutang lingunin pa rin ang pinagmulan.

Raine Pal said...

Normal lang sa isang ina ang magalit sa kanyang anak kung ito'y may ginawang kamalian. At kahit ano pa man ang sama ng loob mo sa iyong ina ay dapat marunong kang magpatawad kasi ang gusto lamang nya ay mapabuti ang buhay mo.

pinoy_oman said...

Ang pag mamahal at pag aaruga ng ina ay di matularan ng kahit ano mang bagay. Ito ay isang pinaka magandang regalo sa kanilang anak nga dapat suklian ng isang pag pupugay.

ShareThis