nuffnangAds

Wednesday, November 23, 2011

Tahan na Kaibigan

--- This is a poem I made for my BESTFRIEND . Her father just past away this Saturday . I can feel the pain that she's feeling right now, but it's the fact that we needed to accept that life has to end.

Hawiin na ang luha sa pisngi
ngunit wag nang piliting ngumiti.
Di maiaalis sa puso ang hapdi
bunga ng kanyang pagkasawi.
Siya'y umalis, ang mundo'y nilisan
presensya nya'y patuloy sa puso't isipan.
Ramdam ko ang sakit kaibigan
tahan na , buhay ay sadyang ganyan.

Siya'y tumungo na sa isang paglalakbay
patungo sa walang hanggang buhay.
Sa iyo ay tapos na syang gumabay
iyong mundo'y nabigyan nang kulay.
pagibig mo ay dadalhin niya sa hukay
masasayang ala-alang walang humpay.
Sa hinaharap mong takipsilim ng buhay
kumawala ka , Diyos ang tulay.

Balikat ko ay naririto
panyo at palad na hahaplos sayo.
Pumarito ka muna sa piling ko
sandaling talikdan, mapagbirong mundo.
Subukan ma'y di natin matatakasan ito
tanggapin, kahit sariwa pa ang sugat nito.
Siya'y nagpaalam na, kami'y naririto
mga kaibigang dadamay sa iyo.

5 comments:

chrisair said...

Condolence to your friend its nice to offer a poem for her

ProvokedThoughts said...

ang ganda ng tula..feel ko yong emosyon at saka yong simpatiya mo sa kaibigan mo....nakakaiyak...

Journeys and Travels said...

cant continue reading it coz i got tears swelling na. I remembered when my dad and mum passed away too. One of the poignant dark poem I have read from a Filipino.

Thanks for this.

Sining Factory said...

oh myyy. i think the poem is sad but really sweet. i can feel the emotion. prang npkaspontaneous lng pero namimaintain yung art at lalo na yung gustong iparamdam, which is yun yung important. :)

arcee said...

it is just what your best friend needs. glad she has you. condolence to her.

ShareThis